Utang na Loob

Posted on Mayo 16, 2006. Filed under: Mahahalagang bagay |

Sa kultura ng Pilipinas ay uso ang utang na loob. Kung ang isang tao ay nagbigay ng pabor sa iyo, kailangan mong tanawin na utang na loob. Si Kulas pinatuloy si Pedro sa kanyang tahanan nang ito ay bagong salta pa lamang sa Maynila. Inaasahang tumanaw ng utang na loob si Pedro. Si Kulasa nagpuyat para sa proyekto ng mga anak ni Petra noong ang mga ito ay nasa elementarya pa lamang. Ngayong sila ay tapos na sa pag-aaral at may trabaho na, si Kulasa ay umaasa pa rin na sana ay tumanaw man lamang ng kahit na katiting na utang na loob si Petra at ang mga anak nito.

Ngayon ang tanong, dapat ba o hindi dapat tumanaw ng utang na loob? Hanggang saan ba dapat ang pagtanaw ng utang na loob?

May isang kakilala noon ang narinig kong nagsabi na ‘minsang maimbitahan ka sa isang handaan, kahit na miki lamang ang handa, tatanawin mo na itong utang na loob habambuhay’. Hindi kagaya ng mga Amerikano na kapag gumawa ka ng isang bagay na katapat ng ginawang pabor o kabutihang loob ng isang tao ay ayos na, ang mga Pilipino ay sadyang matandain sa kanilang mga itinulong. Sadyang umaasa ang karamihan sa mga Pilipino na gantihan ang kanilang mga mabubuting nagawa.

Isa ring tao ang naringgan ko na nagsabi na ‘bakit pa raw binabanggit ang mga naitulong’? Iba naman ang sitwasyong ito. Ang tao kasing ito ay narinig na nagkwento ng kanyang mga diskarte kaya nakapagtapos sa pag-aaral ang mga anak. Hindi ito nagustuhan ng nakarinig na anak ng taong siyang nagpaaral, sumuporta at umalalay sa kanyang mga anak. Hindi natiis ng anak ng taong totoong tumulong nang malaki sa kanyang mga anak at ito ay sumagot. Nagkaroon ng pagtatalo at naghihinakit ang taong ‘dumiskarte para sa mga anak’ pati na ang mga anak nito.

Sa aking palagay, ang pagbanggit sa mga naitulong ng isang tao ay mahalaga. Kung ang isang aklat nga e may acknowledgment, ganoon din dapat ang isang taong tinulungan. Mahalaga ang pasasalamat sa kahit anong paraan. Mas maganda pa nga kung ang pasasalamat ay ipinapakita sa mga gawa at hindi sa mga matatamis na salita. Sapat na ang mga ito bilang pagtanaw ng utang na loob.

Ayaw ng iba ang isinusumbat ang mga naitulong. Tama sa isang banda. Dahil kung ang isang tao ay tutulong, ito ay dapat gawin ng kusa at hindi umaasa ng anumang kapalit. Ngunit sa isang banda naman, mahalaga na balikan ang mga taong tumulong at ipadama ang pasasalamat, hindi man sa materyal na bagay o sa pera, kung hindi sa pagmamahal at sa respetong nararapat lamang ibigay.

Nararapat na tandaan na sa paglakad sa kalyeng tinahak patungo sa tagumpay ay may mga taong karamay at katulong. Hindi kailanman kinakayang mag-isa ng kahit na sino ang pagtahak sa tagumpay.

About these ads

Make a Comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

19 Tugon to “Utang na Loob”

RSS Feed for Sa Aming Wika Comments RSS Feed

akoy sumasang ayon sa lahat ng iyong tinuran :)lalo na yong huli nagmarka sa akin.

tagalog na tagalog aliw na aliw ako magbasa

sana’y maging gabay mo ang kasabihang iyon palagi, lws.

May term paper ako about with the title “Threats of Utang na Loob to Philippine Progress” and your blog is of help. Though what you have posted is not really enough, still I thank you. :) Hope you’ll post more of this.

i am glad it has partly become of help. it makes me happy that some readers appreciate. unfortunately, time does not allow me to post frequently. i hope i will be lucky to get enough time someday.

Ilike what you said, “Utang na loob”predominantly distinguishes us from other cultures. However, when the giver keeps on reminding someone who owed him ‘utang na loob’ it’s annoying.The giver should also have
spiritual intentions for giving and forget
about being reciprocated by the receiver.I’m
writing a paper for the Filipino seniors and
filipino values that either impede or facilitate thep
and I happened to come across your comments.
Very good, indeed.

Ilike what you said, “Utang na loob”predominantly distinguishes us from other cultures. However, when the giver keeps on reminding someone who owed him ‘utang na loob’ it’s annoying.The giver should also have
spiritual intentions for giving and forget about being reciprocated by the receiver.I’m writing a paper for the Filipino seniors and Filipino values that either impede or facilitate or impede their integration to
Canadian society. Your article has been helpful
Keep it up!Thanks
Very good, indeed.

Hello Maam Bing, ako po ay isang anak-Ilokano na di naman marunong mag-Ilokano, laking Bisayas po ako, at ngayon ay inaatasang magproduce ng isang Magazine in Tagalog para sa ating mga kababayan dito sa Kuwait. It’s about Filipino and Kuwaiti culture. Napakalaking tulong po sa amin ang inyong website, lalong-lalo na po sa aming mga Bisayan-speakers, napakalinaw po ng inyong mga articles, madali po naming mauunawaan. Ang Magazine po na ito ay walang bayad, hindi po ito negosyo, ito po ay “in the service of the Filipino community” dito po sa Kuwait, especially sa mga kapatid nating mga Muslim. Kasi po ang number one factor kung bakit magulo ang bansa natin ay dahil po sa cultural gap between the Filipino Muslims and Filipino Christians. Sana po ay maging bridge ang Magazine na ito, “Pag-usapan”, para sa peace ang prosperity ng ating bansa. Magpapaalam lang po kami na kumukuha po kami ng mga ideas galing po sa inyo, at nili-link po namin ang aming mga readers dito po sa inyong website. Mag-uumpisa pa lang po ang Magazine na ito. Humihingi po kami ng pahintulot sa inyo, at kung meron pong problema ay mauunawaan din po namin. Please reply, salamat po.

Kahit ano pa man ang sabihin natin na mayroon positive aspects ang utang na loob, hindi natin maaalis isipin na isang ‘flawed human value’ ang utang na loob. Sa aking personal experiences at pag-aaral sa usaping ito, ang utang na loob ay nakasasalay sa pag-unawa ng nagbibigay ng tulong sa ibang tao. Karaniwang lumalabas ang negative attitude ng Filipino pagdating sa bagay na ito. Bakit hindi natin tanggapin na kapag tumulong ang isang Filipino hindi buhay ang kapalit nito kundi tulong din. Tinanong ko ang isa kong kaibigang Kiwi (New Zealander) tungkol sa debt of gratitude (utang na loob) sabi nya hindi sya naniniwala sa bagay na ito sapagkat ang tulong ay hanggang doon lang..isang tulong..hindi utang. At pwedeng suklian ng tulong kung gugustuhin ng nakatanggap ng tulong. Sana mamulat ang maraming Filipino sa napakalaking kamaliang dinudulot ng utang na loob. Gaya ng maraming kultura, dapat nating purgahin ang kulturang Filipino ng mapanirang aspeto nito at palaguin ang positibong aspeto nito.

thank u for ur informtion about utang na loob. I hope u can post also about “kagandahang loob”,….. its nice to read this but its more nice if it is in english form….

thankz for posting utang na loob topic here..
its easy for us to make requirements in VALUES ED.. thankz alot… hope u make more topic about filipino values here.. God Bless… mabuhay ang Pinoy

good job?

report ko sa religion

yan nga ang aking hinahanap ang galing!!!!!bravo………..!!!!!!!

napaka madamdaming kwento^^

sumasang ayon ako sa isa sa nagkomento dito na isang “flawed human value” ang pagkakaroon ng konseptong “Utang na Loob”. noong nanirahan ako sa bahay ng aking tiyahin (kapatid ng aking ama), kelangan kong tumulong man lang sa gawain bahay para lang masuklian ko ang kabutihan loob ng pagpaptuloy niya sakin sa kanyang tirahan. kumbaga, pakonsuelo de bobo ang pagakakaalipin ko sakanila. ang masama niyan, kahit na anong tulong at pakikisama ang gawin ko, lubog pa rin ako sa “utang na loob”.

Sana ibigay mo na ang lahat na itatanong ko sa inyo tulad ng utang nA LOOB

THANK YOU
MWAHHHH………………………………………………!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

binibigkas lang ang salitang ito ng mga taong gahaman,sakim at mga mukhang pera!!!


Where's The Comment Form?

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: