Nasa Laki Ba?
BABALA: Hindi para sa bata at batang-isip.
Habang nanonood ako ng isang serye ng pamosong Imbestigador, natawa ako sa isang bahagi ng serye kung saan ang mga lalaki sa Batangas ay nagpapaturok ng tinunaw na petroleum jelly sa kanilang ari. Sabi ng ilan sa nakapanayam iyon daw ay makakapagdagdag ligaya sa kani-kanilang mga asawa o kapakner este kapartner.
Meron pa palang mga lugar dito sa Pinas na ganoon ang takbo ng isip – atrasado. Pero malay ko ba naman kung sa siyudad ay may mga lalaki din na ang takbo ng isip ay tulad ng mga lalaking iyon sa Batangas – na nasa laki nakasalalay ang ligaya ng mga kababaihan.
Sa aking personal na opinyon at ayon na rin sa mga nabasa ko, mali ang isipin na nasa laki lamang nakadepende ang ligayang sekswal ng mga babae. OO, maaaring may kontribusyon ang laki pero hindi lamang dito nakasalalay ang pagiging maligaya ng sekswal na relasyon ng mag-partner, o ng mag-asawa.
Kung paano ginagawa ang proseso ay higit na mas mainam kaysa sa ginagamit para sa proseso. Ano ang silbi ng laki kung hindi naman magamit ng wasto? Ano ang halaga kung hindi naman ito tumutulong upang marating ang rurok?
Medyo eks reyted yata ang aking asignatura ngayon. Pero nais ko lamang naman ipahayag ang aking opinyon bilang babae.
Ano kaya ang masasabi ng mga boys dito?
Tama ka dyan kapatid! Kung alam lang ng karamihan sa mga lalaki paano gamitin ang kanilang ari sa pagpapaligaya ng mga partners nila, sigurado ako di na kailangan palakihin yon. Minsan ego na lang ang pinapairal nila, gusto nila maipagmayabang na kargado sila. Puwede ring self esteem issue. Tulad ng ibang mga babae, feeling nila pag malaki boobs nila eh sesexy sila. Siguro sa pisikal na kaanyuhan nagiging sexy sila kaso kung mga tuod naman sila sa kama at mga walang laman at utak, wala pa rin. Hehehe.
fionski
Agosto 27, 2006
hi, fionski!
salamat sa pagdaan. ego lang talaga. as in, para namang dun lang nakasalalay ang kaligayahan ng isang babae. ignoramus minsan, e..
bingskee
Agosto 27, 2006
sang-ayon ako dito! hindi nadadaan sa palakihan yan! sa tamang proseso ang tamang kasagutan para marating ng ligayang sekswal.
mmy-lei
Setyembre 13, 2006
naks, mmy lei, ‘nasa tamang proseso’. tama ka diyan!
bingskee
Setyembre 13, 2006
palgay ko hindi nadadaan yan sa palakihan yan e! well,sa deskarte lang lang ng gumagamit
Mckhoy69
Disyembre 22, 2006
tama ka dyan, mckhoy.
bingskee
Disyembre 26, 2006