Archive for Mayo, 2006

Ang Salitang “Naiirita”

Posted on Mayo 29, 2006. Filed under: Common expressions in Filipino |

Sabi ng isang tiyahin na naninirahan sa Amerika hindi raw maganda ang nangyayari sa Wikang Filipino. Saan ba naman daw nakuha ang salitang "naiirita"? Wala raw siyang natatandaang ganoon sa ating wika. Maaaring "naiinis" o "nasusuya", sabi niya, pero ang "naiirita", wala raw ganoon noon.

Mahigit na 60 na ang tiyahing iyon ng asawa ko at nanirahan pa nang matagal sa Amerika at hindi niya nakita ang mga pagbabago na dulot ng mga impluwensiya sa ating bansa ng teknolohiya at ng kultura ng ibang bansa. Karaniwan kasi ang mga pagbabago sa ating wika ay dulot ng mga ito. Para sa akin, wala namang masamam kung iisipin, huwag lamang iyong mga pagbabagong walang katuturan. Ang salitang 'naiirita' ay siguradong nanggaling sa salitang Ingles na "irritated" o sa salitang ugat nito na "irritate". Alam mo naman ang mga Pinoy, malikhaing totoo. Habang tumatagal, padagdag nang padagdag ang mga salitang hango sa salitang banyag, at ang iba naman ay imbento na rin ng karamihan sa mga kabataan.

Pero minsan, naulinigan ko ang mga maliliit na batang naglalaro ng holen at narinig ko ang isa na nagsabi, "Ang duya nito!" Tama ba ang dinig ko ang naitanong ko sa anak ko at tama daw. Inimbento daw ng mga bata ang salitang iyon na ang ibig sabihin ay madaya o magulang. Nang minsang marinig ko uli ito ay pinagsabihan ko ang ilang bata na mali ang salitang iyon.

Meron pang isang ekspresyon na kailan ko lang napansin at sa mga anak ko pa. Ito yaong paggamit ng salitang 'kaya' na dinudugtong sa dulo ng bawat pangungusap.

Kay: Hindi ba si ____ ang may gawa noon?

Daryl: Hindi kaya.

Ang kaya ay may dalawang kahulugan sa Ingles: (1) capacity o (2) therefore. Tila ang paggamit ng kaya ni Daryl ay nasa pangalawang kahulugan na may diin sa ikalawang pantig pero mali pa rin. Mas tamang pakinggan ang salitang ito sa pangungusap na ito, "Kaya ngayon, kayo ay makinig."

Hindi ko alam kung anu-ano pa ang mga salitang kakaiba na naimbento ng mga kabataan ngayon o ng bagong henerasyon. Huwag naman sanang lumala at mababoy ang ating sariling wika.

Advertisements
Read Full Post | Make a Comment ( 4 so far )

Sa Pagbuhos ng Ulan

Posted on Mayo 24, 2006. Filed under: Kahit ano lang |

At bumuhos na po ang ulan. Buti na lang at meron tayong pananggalang – ang payong. Alam naman natin na ito yung gamit na nagbibigay sa atin ng proteksyon laban sa ulan, niyebe at araw.

Pero ang dami palang klase ng payong at bago tayo magtungo diyan, konting impormasyon lang. Ang payong pala ay sinimulang gamitin sa Tsina at Ehipto. Ngunit ang mahahalagang tao lamang ang gumagamit nito at dala-dala ng mga alipin upang protektahan ang isang hari laban sa mga sinag ng araw. Noon lamang ika-19 na siglo nagkaroon ng mga modernong payong na gawa sa metal na dati ay gawa sa kahoy at kawayan.

Narito ang mga klase ng payong:

para sa patio
para sa outdoor outdoor umbrella

pasadya custom umbrella

pang – Golf golf umbrella

para sa mga fashionista

 fashion umbrella

para sa promotions promotional umbrella

para sa pool pool umbrella

laban sa araw

para sa hardin

para sa mga bata

Read Full Post | Make a Comment ( 4 so far )

« Mga Dating Lahok

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...