Paunang Salita

Posted on Mayo 12, 2006. Filed under: Kahit ano lang |

Matapos ang mahimbing na pagtulog sa pagsusulat sa wikang Tagalog, narito na naman ako. Ito ay karugtong ng aking mga kaisipan sa wikang Filipino. Nais ko mang hakutin ang aking mga isinulat sa dati kong bahay, e hindi ko magawa kasi walang import service ang WP para sa tripod.

Pero heto ako, magpapatuloy sa pagsulat sa wikang kinagisnan. May mga kaisipan kasing mas madaling isulat sa ating wika. May mga hinaing na mas madaling sabihin kapag nasa sariling wika.

Marami ang nagsasabi, mas madali raw pag-aralan ang wikang Filipino. Hindi ako sang-ayon. Dahil kung ito ay madali, bakit may nagsasalita ng tag-lish? Bakit hindi nakakapagsalita ang marami nang diretso sa wikang Filipino? Hindi po madaling pag-aralan at makasanayan ang wikang Filipino. Mas madali pa nga ang Ingles. Bukod sa mas maiiksi ang mga salita sa Ingles, mas madaling natatandaan kasi ito ang pangkalahatang salita sa daigdig, at maging sa bansa natin.

Alam mo ba na ang tawag sa verb ay pandiwa? Alam mo ba kung ano ang naranghita? Alam mo ba kung ano ang pang-ukol? Hindi po ito bumubukol o nakabukol.🙂 Naiintindihan mo ba ang mga katagang 'isa kang lilo'? E ang salitang ‘sinibasib’ narinig mo na ba? Karamihan at karaniwan, ang mga kabataan ngayon ay hindi na gagamitin ang mga salitang ito. Katwiran nga ng marami, ‘so baduy’, ‘so corny’. At baka me kasama pang ‘yukk!’

Pero huwag sanang kalimutan, kasama ang ating wika sa ating kasarinlan. Ang ibig ko pong sabihin, ito ay bahagi ng ating pagkakakilanlan. Gets mo?

Tuloy po kayo sa bagong bahay ng Sa Aming Wika.

Make a Comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

4 Tugon to “Paunang Salita”

RSS Feed for Sa Aming Wika Comments RSS Feed

Tutoo nga. Mayroon ngang mga hinaing na mas madaling sabihin sa ating sariling wika. Kaya lang medyo mapurol na ang aking written Tagalog. Dahil na rin siguro matagal na ako dito sa Canada. Minsan nahihirapan na akong hagilapin ang katumbas na salita sa tagalog lalu na yung mga salitang bihira kong gamitin.

Hey Bing, I’m also trying to migrate to WordPress. Actually I already signed up but am nervous to proceed. Can you please email me at irenesanmiguel@yahoo.com. I have a few questions to ask. thanks.

A, oo, tiyak na mahihirapan ka na kapag nasanay ka na sa lengguwahe ng ibang bansa. Ang mahalaga, Irene, hindi ka nakalilimot lumingon sa pinanggalingan. Ngek, tama ba ang kasabihang ito? Me kaugnayan ba?

Mas Magaling jaN si JUSTIN…

ADD nyu nlang sa Friendster…

justincarl02@yahoo.com

Mas Magaling jaN si CARL JUSTIN MARTINEZ…

ADD nyu nlang sa Friendster…

justincarl02@yahoo.com


Where's The Comment Form?

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: