Super Mom, Meron Ba?

Posted on Mayo 14, 2006. Filed under: Ang maging babae, Mahahalagang bagay |

Meron naman. At marami.

Bisitahin nyo nga itong si Lisa Marie Metzler at isinisigaw ng kanyang artikulo ang mga katagang "Give Yourself a Break". Bigyan mo raw, mader, ng panahon ang iyong sarili. Makakabuti ito sa iyong kalusugan. Ibig sabihin, hahaba ang iyong buhay! Siyempre, mas gusto mo iyon para sa lahat ng mga mahal mo sa buhay. Mas nanaisin mo ang mapagsilbihan at makapiling sila ng mas maraming panahon, di ba?

Sabi naman ni Mary Dixon Lebeau, matuto ring magsabi ng "No!" o "Hindi" ng walang alalahanin. Huwag abusuhin ang sarili sa pagtanggap ng lahat ng hiling o pabor. Pwedeng tumanggi, mader, kung hindi mo kaya!

Ito namang si Tracy Lyn Moland ay may suhestyon para maalagaan ang alter ego ng mga super mom. Isinalin ko sa Tagalog:

  1. Magkaroon ng 15 minutong tahimik na oras bawat araw sa pagbabasa ng libro, magasin, o pagsusulat sa isang talaan.
  2. Maglakad ng 15 minuto araw-araw, mag-isa o kasama ang kaibigan.
  3. Magkaroon ng 15 minuto bawat araw sa paggawa ng isang proyekto o libangan.
  4. Pumasok sa isang panggabing klase – pag-eehersisyo, espesyal na hilig, o pagkuha ng isang sertipiko.
  5. Matutong tumanggi sa mga gawaing hindi totoong importante sa iyo o sa iyong pamilya.

O, merong super mom. Pero nagkakamali rin sila. Hindi kasi sila mga superheroes. Akala lang nila 'yun.

 

Make a Comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: