Archive for Hunyo, 2006

Kayang Tiisin

Posted on Hunyo 23, 2006. Filed under: pamilya |

Tayong mga magulang ay madaling magalit at maasar pero napakadaling magpatawad at kalimutan na lamang ang palpak na ginawa ng anak. Lalo na at nag-'sorry'. Sabi nga ng isang kasabihan, walang magulang ang makatitiis sa anak.

Pero sa tuwina, palagi kong sinasabi kay Kay at Daryl na hindi ako pwedeng maasahan na tatahimik kapag may mali. Para sa akin, hindi pagmamahal kung pinababayaan sa mali ang isang anak. Hindi ko tipo ang mangunsinti.

Pero mahirap pala ang magbitiw ng 'sorry' pag ikaw na magulang naman ang nagkamali. Pero dapat gawin upang magsilbing ehemplo.

Ikaw, kaya mo bang tiisin ang anak mo?

Advertisements
Read Full Post | Make a Comment ( 3 so far )

“Kung Ayaw ay May Dahilan, Kung Gusto ay May Paraan.”

Posted on Hunyo 16, 2006. Filed under: Mahahalagang bagay |

Sabi ito ng aking kaibigan.

Isang araw kasi ay nagkukwentuhan kami tungkol sa pangingibang-bayan.  Iginigiit ko na gustuhin ko man ay hindi ko magagawa dahil kulang ang pera.  Hindi sapat ang kasalukuyang kita at naitatabi para magpatuloy sa balaking ito.

Sinabi niya na kung gusto ay may paraan, at kung ayaw ay may dahilan.

Maaaring tama siya pero hindi sa kaso ko.  Ayaw ko namang yakapin ang posteng mas malaki pa sa akin.   At ang hirap yata noon, 'no?  Baka magkabaon-baon lamang at hindi na makabangon.  Para sa akin, kung ito ay talagang para sa akin, bubukol at bubukol.

Iba naman ang kaso ng ibang kakilala namin na ang idinadahilan ay hindi niya kaya ang trabahong iniaalok ng isang ahensya, kesyo baka magkaganito siya o magkaganoon.  Ito ay tunay na nagdadahilan para sa akin.  Hindi pa man nasusubukan ang mga pagsasanay ay umaayaw na.  Libre ang akomodasyon para sa mga taong mayroong ganoong kakayahan at walang placement fee na kailangan.  Ang kanilang aasikasuhin lamang ay ang mga gastusin sa pagsasanay at pagsusulit.  Libre ang pagpapa-medical kung walang karamdamang makita, at tiyak na tiyak na makakaalis.  Yung nga lamang ay ayaw nila.  Kung mayroon lamang akong ganoong skill.

Dagdag ko pa sa aking kaibigan, hindi ako nalulungkot dahil naiinggit sa mga taong nagtatagumpay na makaalis patungo sa pinapangarap na magandang kinabukasan sa ibang bayan.  Nalulungkot ako dahil gustuhin ko man ay may kulang upang magpatuloy.

Kung nanaisin ng Maykapal, tiyak kong makakaalis din naman.  Para sa akin, may dahilan ang bawat nangyayari sa buhay.

Read Full Post | Make a Comment ( 4 so far )

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...