“Kung Ayaw ay May Dahilan, Kung Gusto ay May Paraan.”

Posted on Hunyo 16, 2006. Filed under: Mahahalagang bagay |

Sabi ito ng aking kaibigan.

Isang araw kasi ay nagkukwentuhan kami tungkol sa pangingibang-bayan.  Iginigiit ko na gustuhin ko man ay hindi ko magagawa dahil kulang ang pera.  Hindi sapat ang kasalukuyang kita at naitatabi para magpatuloy sa balaking ito.

Sinabi niya na kung gusto ay may paraan, at kung ayaw ay may dahilan.

Maaaring tama siya pero hindi sa kaso ko.  Ayaw ko namang yakapin ang posteng mas malaki pa sa akin.   At ang hirap yata noon, 'no?  Baka magkabaon-baon lamang at hindi na makabangon.  Para sa akin, kung ito ay talagang para sa akin, bubukol at bubukol.

Iba naman ang kaso ng ibang kakilala namin na ang idinadahilan ay hindi niya kaya ang trabahong iniaalok ng isang ahensya, kesyo baka magkaganito siya o magkaganoon.  Ito ay tunay na nagdadahilan para sa akin.  Hindi pa man nasusubukan ang mga pagsasanay ay umaayaw na.  Libre ang akomodasyon para sa mga taong mayroong ganoong kakayahan at walang placement fee na kailangan.  Ang kanilang aasikasuhin lamang ay ang mga gastusin sa pagsasanay at pagsusulit.  Libre ang pagpapa-medical kung walang karamdamang makita, at tiyak na tiyak na makakaalis.  Yung nga lamang ay ayaw nila.  Kung mayroon lamang akong ganoong skill.

Dagdag ko pa sa aking kaibigan, hindi ako nalulungkot dahil naiinggit sa mga taong nagtatagumpay na makaalis patungo sa pinapangarap na magandang kinabukasan sa ibang bayan.  Nalulungkot ako dahil gustuhin ko man ay may kulang upang magpatuloy.

Kung nanaisin ng Maykapal, tiyak kong makakaalis din naman.  Para sa akin, may dahilan ang bawat nangyayari sa buhay.

Make a Comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

4 Tugon to ““Kung Ayaw ay May Dahilan, Kung Gusto ay May Paraan.””

RSS Feed for Sa Aming Wika Comments RSS Feed

ganyan din ako dati,
walang tiwala sa sarili
pero naisip ko
ano mangyayari sa akin
kung mananatili akong ganoon
diba?

totoo naman ang sinabi mo.

pero tungkol naman sa akin, malaki ang tiwala ko sa aking sarili dangan nga lamang at maraming balakid sa ngayon.

salamat sa pagdalaw, melai!

walang anuman luvsyaa🙂
heheheheh pag nawalan ka ng tiwala sa sarili mo
sayang ang galing mo🙂

ang ganda ng story


Where's The Comment Form?

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: