Kaakit-akit…

Posted on Hulyo 9, 2006. Filed under: Mga Henyo |

Isa lamang itong aksidente.

Nakita ko ang magasin sa sala. Magasin pala ni Daryl sa asignaturang Filipino. Nang tingnan ko ay nagawi ako sa bahagi ng salindiwa kung saan naroon ang isang tulang pinamagatang “Awit ng Pag-ibig” na salin sa tulang “Cancion de la Amor” ni Pablo Neruda.

Una kong nasilayan ang pangalang Pablo Neruda sa kanyang blog. At mula noon ay nabighani ako sa ganda ng kanyang mga gawa. Dapat lamang siyang parangalan ng Nobel Prize.

Ang sumunod ay ang kabuuan ng tula na punung-puno ng damdamin.

AWIT NG PAG-IBIG

 

Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi.

 

 

Maisusulat ko, halimbawa: “mabituin ang gabi

At nanginginig, bughaw ang mga tala sa malayo.”

 

 

Lumiligid sa langit ang simoy-gabi at umaawit.

 

 

Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi.

Minahal ko siya, at minahal din niya ako paminsan-minsan.

 

 

Sa mga gabing ganito, ibinilanggo ko siya sa aking mga bisig

Ulit-ulit ko siyang hinagkan sa lilim ng walang hanggang langit.

 

 

Minahal din niya ako, paminsan-minsan ko rin siyang minahal.

Sino ang hindi iibig sa kanyang mga matang malaki’t tahimik?

 

 

Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi.

Maiisip kasing hindi na siya akin. Madaramang wala na siya sa akin.

 

 

Maririnig ang gabing malawak, at mas lumalawak kung wala siya

At pumapatak sa kaluluwa ang bersong tila hamog sa pastulan.

 

 

Ano naman kung hindi mabantayan ng aking pag-ibig.

Mabituin ang gabi at hindi siya kapiling.

 

 

Ito na ang lahat. May umaawit sa malayo. Sa malayo.

Hindi mapanatag ang kaluluwa ko pagkawala niya.

 

 

Upang waring ilapit siya, hinahanap siya ng aking mata.

Hinahanap waring ilapit siya ng aking puso, at hindi siya kapiling.

 

 

Ganito rin ang gabing nagpupusyaw sa ganito ring mga punongkahoy.

Kami, sa tagpong iyon, ang nagbabago.

 

 

Hindi ko na siya mahal, natitiyak ko, ngunit minahal ko siya nang todo.

Hinahanap ng tinig ko ang simoy upang hipuin ang kanyang pandinig.

 

 

Nasa iba. Siya’y nasa iba. Tulad noong katalik siya ng aking mga halik.

Ang kanyang tinig, malinaw na katawan. Ang kanyang matang walang hanggan.

 

 

Hindi ko siya mahal, natitiyak ko, ngunit baka mahal ko siya.

Napakaikli ng pag-ibig, napakahaba ng paglimot.

 

 

Dahil sa mga gabing ganito na ibinilanggo ko siya sa aking mga bisig.

Hindi mapanatag ang kaluluwa ko pagkawala niya.

 

 

Kahit ito na ang huling pighating ipapataw niya sa akin,

At ito ang huling mga bersong isusulat ko para sa kanya.

 

Sa mga linyang makapal ang titik, damang-dama ko ang pagmamahal ng sumulat sa taong nawala sa kanyang buhay. Feel na feel ko talaga ang tulang ito. Tunay na kaakit-akit.

Make a Comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

19 Tugon to “Kaakit-akit…”

RSS Feed for Sa Aming Wika Comments RSS Feed

napakaganda nga… =) salamat sa pagbabahagi nito.

ang ganda ‘no, angeli? walang anuman. isang kasiyahan ang ibahagi ito.

at napakagaling ng nagtranslate🙂

oo nga, e. sayang nga lamang at hindi nakalagay sa magasin ang kanyang pangalan.

napakaganda ngang tunay at tutuong litanya ng naglahong pag- ibig…

sobra ang intensity ng kanyang damdamin habang isinusulat ito…

“Minahal ko siya, at minahal din niya ako paminsan-minsan”

magaling. gusto ko ang linyang ito parang pwedeng idagdag na lyric sa kantang “kun ‘di man” ni chikoy pura.

magaling talaga ang pagkakasalin. sobrang nakaka-emo.

salamat sa dalaw, batjay. di ko nga pala kilala si chikoy pura.

pahingi naman uri ng tulang pasalaysay,dalit,elehiya atbp.

napakaganda sadyang malalim ang salita tamng tama ang paksa..

salamat, lalaine..

ako ay nalibang sa ganda

mabuti kung ganun, cecilia..

kaakit akit nga naman. talagang magugustuhan at maiintindihan mo ito lalo na pag nadama mo na ang tulad ng mga pangyayaring iyan.

nice nmn i2…nakakrelate ako…hehe…

VERY MAHABA….

maganda nga talaga nga ang pagkagawa….
congrats sa nag-gawa nito and more power!
GOD BLESS!
09164688960

nice

sus uan lng nmn pla eik sav ko ung sagot….


Where's The Comment Form?

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: