Maganda Ka!

Posted on Hulyo 26, 2006. Filed under: Ang maging babae, Opismeyts |

Habang tumatagal ay gumaganda ka sa aking paningin. Paano naman ay kakaiba ang pananaw mo sa buhay. Para sa iyo, ang mabuhay na walang iniisip o binabalak na masama sa kapwa ay sangkap upang gumanda hindi lamang ang buhay kung hindi ang aura ng isang tao. Napakadali mong pakiusapan, hindi dahil sa ikaw ay utu-uto kundi dahil nauunawaan mo ang bawat sitwasyon, lalo na kung ang isang tao ay nangangailangan ng tulong.

Hindi mo pinalalampas ang pagkakataon na ituwid ang mali. Para sa akin, napakaganda ng katangian mong iyon. Ano ang panama ng karamihan na nakangiti sa harapan yun naman pala’y umiismid sa pagtalikod ko? Kaibigan, sa bawat tangka mong magtuwid ng mali, nadadagdagan ang mga nilalang sa mundo na natututong eksaminin ang kanilang sarili, at magtanto kung ang ginagawa ay tama ba o mali. At, oo, hindi sa bayolenteng paraan. Siguro, nahihipnotismo sila ng malumanay mong pagbikas sa mga salita, sabay diin.

Anong kaibahan marahil ang naramdaman ng mga taong may koneksyon sa inyong trabaho dahil sa maayos mong pakikitungo at pakikipag-usap sa kanila. Hindi nila dati ramdam iyon noon – na sila ay mahalaga din naman sa ikot ng proseso ng mga sistema sa trabaho.

Higit sa lahat, kahit na doble-antso ka, seksing-seksi ka pa rin dahil sa malinaw at bukas mong isipan sa sekswalidad. Swak na swak tayong dalawa pagdating sa bagay na iyon. Walang kiyeme nating pinag-uusapan ang mga bagay-bagay tungkol sa buhay may-asawa, tungkol sa ating asawa, at tungkol sa ating relasyon sa kama, este, sa kanila.

Sa ilang ‘magaganda sa paligid’, paano ka kaya ipagpalit kay ‘ganda’ na mas pipiliing mas maganda siya sa mga kaibigan o kasama niya para angat siya (akala lang niya yun), o di kaya naman doon kay kondesang palaging nakataas ang ulo o noo kung maglakad (na para bang kasali sa Miss Universe contest) pero iniwan naman ng asawa? ‘Lam ko, ‘lam ko, dapat ay dahan-dahan ako dahil may dahilan ang bawat sitwasyon, kaya lang di kita ipagpapalit kay kondesang akala mo ay ang selan-selan, pero wala namang pambili ng P15 na pansit.

Malaya nating pinag-uusapan ang tungkol sa Diyos nang hindi na iisipin pa kung ano ang iyong relihiyon o sekta. Mas mahalaga kasi ang pagsasabuhay ng mga salita Niya, kaysa magsabing “Ako ay Kristiyano!” na di naman kayang isabuhay. At totoo, mas epektibo ang pagsasabuhay kaysa sa pagdedeklara. Actions speak louder than words, ika nga.

Maganda ka, at lalong gumaganda sa aking paningin.

Make a Comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

8 Tugon to “Maganda Ka!”

RSS Feed for Sa Aming Wika Comments RSS Feed

korek ka dyan, miss bing, maganda ako, este tayo.
it’s the character that glows!

miss bing, ask ko naman email add mo, thanks a lot and God bless, too.

ha ha di ba nga naman? malaya, ipadadala ko sa yo, ok?

ngayon lang ako napunta dito. mabuti pala at yung link sa comment mo ang ginamit ko at hindi yung naka-link sa aking warm stone. Halos pareho ng tema ang blog natin ngayon ano? Nasa loob ang tunay na kagandahan.

hi, ginoong rolly! me link ka ng warmstone??

tungkol sa tema, totoong nasa loob ang tunay na kagandahan.

helo ate bing!! thanks…

reading your post made me love myself more..:)

thanks din po sa pagbisita sa blog ko. at sa comment…

hi, karmi! dapat lang talagang mahalin ang sarili..

ang ganda naman Bing! i really like….okay lang ba? na copy ko lagay ko sa myspace ko pero ilalagay ko rin name mo?

ho, jhosie. ok lang pero pwede pakilagay din ang link ng site na ito?

salamat at nagustuhan mo. isa itong regalo sa isang kaibigan sa Pasko. sana ay magustuhan niya. bakit hindi ko nga pala mapuntuhan ang myspace site mo?


Where's The Comment Form?

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: