Archive for Agosto, 2006

Nasa Laki Ba?

Posted on Agosto 26, 2006. Filed under: Ang maging babae, Mahahalagang bagay |

BABALA: Hindi para sa bata at batang-isip.

Habang nanonood ako ng isang serye ng pamosong Imbestigador, natawa ako sa isang bahagi ng serye kung saan ang mga lalaki sa Batangas ay nagpapaturok ng tinunaw na petroleum jelly sa kanilang ari. Sabi ng ilan sa nakapanayam iyon daw ay makakapagdagdag ligaya sa kani-kanilang mga asawa o kapakner este kapartner.

Meron pa palang mga lugar dito sa Pinas na ganoon ang takbo ng isip – atrasado. Pero malay ko ba naman kung sa siyudad ay may mga lalaki din na ang takbo ng isip ay tulad ng mga lalaking iyon sa Batangas – na nasa laki nakasalalay ang ligaya ng mga kababaihan.

Sa aking personal na opinyon at ayon na rin sa mga nabasa ko, mali ang isipin na nasa laki lamang nakadepende ang ligayang sekswal ng mga babae. OO, maaaring may kontribusyon ang laki pero hindi lamang dito nakasalalay ang pagiging maligaya ng sekswal na relasyon ng mag-partner, o ng mag-asawa.

Kung paano ginagawa ang proseso ay higit na mas mainam kaysa sa ginagamit para sa proseso. Ano ang silbi ng laki kung hindi naman magamit ng wasto? Ano ang halaga kung hindi naman ito tumutulong upang marating ang rurok?

Medyo eks reyted yata ang aking asignatura ngayon. Pero nais ko lamang naman ipahayag ang aking opinyon bilang babae.

Ano kaya ang masasabi ng mga boys dito?

Advertisements
Read Full Post | Make a Comment ( 8 so far )

Bakit May Anonymous na Komentarista?

Posted on Agosto 11, 2006. Filed under: Mahahalagang bagay, Tagahalakhak |

Malaking katanungan sa akin ito noon pa.  Iniisip ko palagi noong ako ay bago pa lamang sa blogging world ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi sila nagpapakilala.

Maaari sigurong ang mga anonymous na komentarista (good or bad)ay

  1. Mahiyain.
  2. Naligaw lamang at nagandahan sa isa sa mga post pero ayaw magpa-locate.
  3. Gustong magpa-mysterious effect.
  4. May crush sa may-ari ng blog at ayaw magpakilala.
  5. Napakahaba ng pangalan.
  6. Walang pangalan o nalimutan ang pangalan.
  7. Hindi sigurado sa isinulat na komento.
  8. Kinopya lang ang komento.
  9. Gusto lamang gumawa ng eksena.
  10. Walang sariling blog.
  11. Wala sa sarili?  (Hindi naman siguro, nakapagsulat naman ng komento. he he)
  12. May inaalagaan (daw) na dignidad.
  13. Nais mambastos pero ayaw mabastos.  (Ayaw maresbakan.)
  14. Kaibigan ang may-ari ng blog at ayaw malamang siya’y kontra sa isinulat nito.
  15. Siya’y isang peke na may misyon.

G./Bb. Anonymous, Huwag ka naman sanang magagalit kung tinamaan ka ng isa sa mga isinulat ko sa taas.  Hula lamang ang mga iyan. 😛  Maaari din namang totoo ang ilan sa mga iyan.  Kapag napikon ka, aba’y alin kaya sa mga nakalista ang dahilan?

Hindi lamang talaga maalis sa aking isipan kung bakit kailangang magkomentaryo sa ilalim ng isang pagkakakilanlan na “anonymous”.  May iba pa bang dahilan?  Dagdagan mo ang listahan para masaya.

Read Full Post | Make a Comment ( 16 so far )

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...