Bakit May Anonymous na Komentarista?

Posted on Agosto 11, 2006. Filed under: Mahahalagang bagay, Tagahalakhak |

Malaking katanungan sa akin ito noon pa.  Iniisip ko palagi noong ako ay bago pa lamang sa blogging world ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi sila nagpapakilala.

Maaari sigurong ang mga anonymous na komentarista (good or bad)ay

  1. Mahiyain.
  2. Naligaw lamang at nagandahan sa isa sa mga post pero ayaw magpa-locate.
  3. Gustong magpa-mysterious effect.
  4. May crush sa may-ari ng blog at ayaw magpakilala.
  5. Napakahaba ng pangalan.
  6. Walang pangalan o nalimutan ang pangalan.
  7. Hindi sigurado sa isinulat na komento.
  8. Kinopya lang ang komento.
  9. Gusto lamang gumawa ng eksena.
  10. Walang sariling blog.
  11. Wala sa sarili?  (Hindi naman siguro, nakapagsulat naman ng komento. he he)
  12. May inaalagaan (daw) na dignidad.
  13. Nais mambastos pero ayaw mabastos.  (Ayaw maresbakan.)
  14. Kaibigan ang may-ari ng blog at ayaw malamang siya’y kontra sa isinulat nito.
  15. Siya’y isang peke na may misyon.

G./Bb. Anonymous, Huwag ka naman sanang magagalit kung tinamaan ka ng isa sa mga isinulat ko sa taas.  Hula lamang ang mga iyan. :-P  Maaari din namang totoo ang ilan sa mga iyan.  Kapag napikon ka, aba’y alin kaya sa mga nakalista ang dahilan?

Hindi lamang talaga maalis sa aking isipan kung bakit kailangang magkomentaryo sa ilalim ng isang pagkakakilanlan na “anonymous”.  May iba pa bang dahilan?  Dagdagan mo ang listahan para masaya.

Make a Comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

16 Tugon to “Bakit May Anonymous na Komentarista?”

RSS Feed for Sa Aming Wika Comments RSS Feed

16. Baka panget ang pangalan.
17. Pikon sya sa nasulat

wala na akong maisip. salamat po sa pag-bisita

This is funny but TRUE. 🙂

Hindi ko masyado gusto ang mga anonymous na comments. Pakiramdam ko ay may stalker ako, hahahaha😀

salamat sa idinagdag mo, mmy-lei!😉

maaaring totoo, di ba, ipanema? salamat sa pagdalaw.🙂

uy, pwedeng idagdag yan – Dahil sila ay mga stalkers. ha ha salamat, jhay1

18. ignorate pa sa blogging? (sana nga, ganun lang) ehehehe

iiwan sana ako ng anonymous… pero – required daw ang pangalan sa blog mo!

magaleng na ideya, malaya! pwede…

hello, aurea, salamat sa iniwang mensahe at sa pangalan..

have you ever thought that maybe the “anonymous commenter” could be the blogger making comments on his/her “own posts” to stir the pot , create a buzz, so so speak?

have you ever thought that maybe the “anonymous commenter” could be the blogger making comments on his/her “own posts” to stir the pot , create a buzz, so so speak?

just a thought from Mr Pogi!😉

Mr Pogi,

pwede… i would not do that, that’s making a fool out of myself..😛

pero pwedeng-pwede ding idagdag he he

you are not making a fool out of yourself!
that’s what you call “marketing” hehehe….
i bet you some bloggers do just that…to keep the ball rolling!😉

ikaw ba yung dating blogger na mr pogi ang title? dati kasi akong bumibisita sa blog nya at nawala na yata siya.

tungkol sa pag po-post ng anonymous comments sa sarili kong blog, di ko magagawa. para naman akong eng-eng nun.

yeah..that’s me..the one & only Mr Pogi in bloggywood…;-)

Maaaring iresponsable, “walang bay@g”, o hindi naman kaya, tinatamad lang na mag-fill up ng name, e-mail at website.

Nakakatamad naman talaga nun! Biruin mo, atat na atat ka nang mag-post ng opinyon mo, ang dami pang requirements.

O baka nagmamadali!

ha ha kakatawa naman yung ‘atat na atat’

magandang idagdag sa listahan ang iyong mga ibinigay..🙂


Where's The Comment Form?

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: