Hayyy, Salamat sa Diyos!

Posted on Setyembre 12, 2006. Filed under: Ang maging babae, Mahahalagang bagay |

Sabi ‘yun ni Papsie. Paano kasi dumating na ang buwanang dalaw ko. Planado na kasi ang lahat sa amin na hindi na namin susundan ang aming mga supling. Unang-una, malalaki na sila at ipinangako nila sa amin na hindi nila kami tutulungang mag-alaga ng maliit na bata he he Peks man, sinabi nila ‘yun. Kung magkaka-baby daw kami at sila ang pag-aalagain e huwag na lang daw.

At dahil nga wala na kaming balak na magka-beybi ay nagpa-family planning kami at ang paraan namin ay ang rhythm method. Bukod sa pagbabantay ng cervical mucus, ginagawa di namin na tiyaking ang aming labing-labing ay mataon 1-5 araw bago at matapos ang aking buwanang dalaw. Sabi ng ilan ay safe pa rin naman ang hanggang 10 araw kaya lamang ang balita ko ay may sumasablay.

Hayun nga at ‘yun ang aming sinusunod pero mas madalas ay ang after kaysa sa before. Kadalasan ang before ay nagdudulot ng kaba kasi naaantala ng ilang araw sa inaasahan ang pagdating ng aking dalaw. Hindi ko alam kungbakit o baka nagkakataon lamang.

Kaya nga pareho naming naramdaman na gumaan ang aming mga dalahin dahil wala na kaming dapat alalahanin. “Hayyy, salamat sa Diyos!” Higit Niya talagang nalalaman ang aming saloobin at kagustuhan.

Pero maiba ako, nakakatawang marinig ang ibang mag-asawa na nagsasabing ‘nakakahiya naman kung mabubuntis pa ako (mabubuntis ka pa) e may edad na tayo”. Ano naman kaya ang nakakahiya doon? Kung hindi nga legal na asawa e nabubuntis, mas dapat sigurong walang dapat ikahiya ang legal na mag-asawa. Sa aking palagay hindi ito dapat na dahilan kung bakit dapat mag-alala kung mabubuntis ang isang babae sa kalagitnaan ng kanyang edad. Mas dapat na alalahanin ang kalusugan at kakayanan ng isang babae. Higit din na dapat alalahanin ang pinansyal at emosyonal na sitwasyon at kakayahn ng mag-asawa, di ba?

Make a Comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

3 Tugon to “Hayyy, Salamat sa Diyos!”

RSS Feed for Sa Aming Wika Comments RSS Feed

[…] As sequel to what I wrote in Sa Aming Wika, “Hayyy, Salamat sa Diyos!” I would like to reiterate that there is nothing wrong (socially, or culturally) when a woman conceives in her middle age. I had heard talks that it is shameful to be seen conceiving when a woman is already in her 40’s or 50’s. […]

hi tita bing,

yan din po ang method na ginagamit ng parents ko. ganyan din po ang sagot namin kay mama kapag nabuntis sya “hindi kami mag-aalaga ng bagong kapatid namin” hehehe… we always have a good laugh kapag napapagusapan namin ng pamilya ang topic na “what if mama got pregnant?” sobrang laki na kasi ng age gap kung masusundan pa. menopause na pala si mama pero sabi ng iba minsan nabubuntis pa din daw? siguro slim chance na lang ito. i always like to read your entry kasi madami akong napupulot na aral. thanks tita. ingatz

hello, jaleesa! musta ka na. nagkaroon ng problema ang site na ‘to at di makapagkomentaryo. salamat sa pagbisita.🙂


Where's The Comment Form?

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: