Ang Pang-aakit

Posted on Setyembre 18, 2006. Filed under: Ang maging babae, Mahahalagang bagay |

Ipagpaumanhin, pero mas nais ko sanang isulat ang pamagat na Ang Paglalandi. Mahalay nga lang basahin. Dito siguro mas akma ang sinasabi ni Filipinayzd na code switching – mas maganda siguro kung ang pamagat ay flirteysyon o flirtation sa Ingles.

Sabi ng mga eksperto ang mga babae raw ay naglalandi o nagpli-flirt KAHIT KANINO lalo na kung may nakatingin. Isa itong paghahatid ng mensahe na gusto niya o type niya ang isang lalaki. Minsan ito ay pagpapahiwatig na gusto ng isang babae na makaniig ang isang lalaki. Pero hindi naman lahat ng pang-aakit ay nauuwi sa kama.

Minsan din naman ang mga babae ay ginagamit ang pang-aakit para sa kanilang mga balakin na maaaring ang ilan ay ang mga sumusunod:

  1. Nais makuha ang lalaking pinapantasya.
  2. Nais nilang ipakita na sila ay may kakayahang mang-akit (pisikal man o intelektwal).
  3. Nais nilang patunayan na sila ay mas maganda o mas seksi sa kasalukuyang ka-partner o asawa ng isang lalaki.
  4. Nais nilang matupad ang kanilang pangarap na umasenso sa kanilang piniling career.
  5. Nais nilang makuha ang kanilang gusto sa pinakamadaling paraan.
  6. Nais nilang kumita ng pera o magkaroon ng mga bagay na hindi nila kayang bilhin.
  7. Nais nilang magamot ang pagkabagot sa buhay.
  8. Nais sumubok ng mga bagay na kakaiba.

At sa ilang mga babae, ang dahilan ay mas nakakalungkot o nakakabahala:

  1. Kulang sa pansin (KSP) o nangangailan ng atensyon.
  2. May sakit na nymphomania.
  3. May sakit sa pag-iisip.
  4. May pagnanasang makaganti dahil sa masamang karanasan.

Anuman ang dahilan, ang mga kalalakihan, aminin man o hindi, ay nabibihag mas madalas nang walang kamalay-malay ng mga motibo ng mga babae. At wala nga namang mawawala sa kanila.

Hindi naman masagwang makita na ang isang dalaga ay ngumiti nang matamis sa isang lalaki o binata, kung iyon man ay matatawag na pang-aakit. Pero sadyang masagwa kung mapapansin na ang isang may-asawang babae ay lantarang nang-aakit ng mga lalaki, may asawa man o wala. At kapag sila ay nasita, baka mapagbintangan ka pang insecure o walang tiwala sa sarili, o mas malamang na isiping mas maganda sila o seksi.

Sa kulturang Pilipino noon, sabi ng matatanda, hindi nangangahas ang mga babae na magpakita ng kanilang nararamdaman sa mga lalaki. Sa ngayon, marami ang nagsasabi na mas bulgar ang mga babae ngayon at mas marami ang walang takot sa pagpapahayag ng kanilang mga kagustuhan at nararamdaman para sa mga kalalakihan. Bakit kaya nagkakaganito?

Maaaring noong unang panahon ay may mga babaeng nagnanais nang maging malaya mula sa hawla ng karaniwang paniniwala na ang babae ay walang karapatang magpahayag ng saloobin. Maaaring ang mga aktwasyon at pag-uugali ngayon ng mga kababaihan tungkol sa isyu ng pang-aakit ay resulta ng matagal na panahong pagpipigil. Maaaring ito ay resulta din ng mga impluwensiya ng ibang bansa, lalo na ng kanluranin.

Ano’t anuman, hindi dapat kalimutan na may responsibilidad tayong mga babae sa ating mga sarili at sa mga nakapaligid. Ito ay ang panlipunang responsibilidad na dapat nating gawin ang mga bagay-bagay nang hindi magdudulot ng sakit, pinsala, o kasiraan sa iba. Maaaring normal ang proseso ng pang-aakit, at nangyayari din ito sa kaharian ng mga hayop. Pero tayo ay higit pa sa mga hayop. Ang ating isip at talino ay nariyan upang magsabing tama o mali ang ating mga ginagawa.

Make a Comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

8 Tugon to “Ang Pang-aakit”

RSS Feed for Sa Aming Wika Comments RSS Feed

kahinaan ko babae…
di ako makatanggi sa kanila.

kung di ka makatanggi, ibig sabihin nilalapitan ka?

salamat sa iyong pagbabahagi..

Ang lalalim ng pagkasulat niyo. Medyo nahihirapan ako sa pagbasa. Talaga namang matagal na akong hind nakababalik sa Pilipinas.

Salamat

salamat sa pagdalaw, jericbilo. nasa bansang Hapon ka pala?

Ang katotohanan ay kalilipat ko lang sa London, England dahil taga dito ang asawa ko.

Gusto ko lang itanong

Ang asawa ko ay mai kapatid na bunsong babae(matangkad, maputi, maganda ang mukha, at katawan)anim na taon ang agwat ng edad nia akin,

12 anyos plang sia ay close na sia sa akin
Ngunit habang ngdadalaga sia ay ganun pa din sia, at ngpapansin ng asawa q na inaakit na aq ng hipag q, kinompronta nmin ang magulang ng asawa q dhil doon, pero ang sagot ng aking byenan ay ngaun lang daw mgkaroon ng kuya kea ganun, dahil puro babae sila,

Ngaun ay 16 anyos na ang hipag q at mai nobyo na ngunit, ganun pa din sia sa akin, mai mga nasasabi siang kakaiba sa akin

Tulad nung panahong nasa ospital kaming lahat at walang tao sa bahay nila, inalok nia akong dun nlng daw kame mgtigil sa bahay nila, ika nia ” kuya, dun nalang tayo sa bahay, tayong dalawa lang”

At nung oras na naiwan kaming dalawa sa bahay nila, dhil mai pinuntahan ang byenan q kasama ang asawa q
Napansin ko ang panglalagkit ng tingin nia, at parang mai kakaiba sa tono ng boses nia “lumabas ako ng bahay at sa labas nlng ngtigil” pero lumabas din sia at inaya nia ako na dun daw kami mgkwentuhan sa loob ng bahay

Nababahala na ako, pinipilit kong mgpigil pero paulit ulit nia parin akong inaakit, dumaan na sa puntong magkaharap kaming nakaupo sa sofa, mai suot siang d kaigsian na short pero manipis at maluwag ito.binbuka nia ang kanyang dalawang hita sa harap ko, at pasimpleng natingin sakin,

Anu po bang mabisang aksyon sa problema ko


Where's The Comment Form?

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: