Archive for Oktubre, 2006

Kung Ikaw ang May-ari…

Posted on Oktubre 23, 2006. Filed under: Mahahalagang bagay, Opismeyts |

Sa isang pagawaan, gurang na ang mga tagapamahala at sa malaon at madali, dapat na silang mag-resign, at dapat na ring maghanap ng kanilang mga kapalit. Heto ngayon ang sitwasyon:

Isa sa minimithi ay ang posisyon ni Gurang A na isa sa pinakamataas sa pagawaan. Dalawa ang napipintong piliin para sa maselang posisyon.

Ang unang kandidato (na malapit na ring maging gurang 🙂 ) ay mahina ang kukote, hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng chant, kung ano ang spelling ng committee, at hindi alam kung paano gumawa ng minutes of the meeting. Pero madali siyang pasunurin, madali rin namang kausapin. Kwidaw nga lamang sa mga mahahalagang desisyon, mahina kasi sa diskarte. At isa pa, KSP, walang etiketa, nagsasalita kahit di pa tapos magsalita ang kausap.

Ang ikalawang kandidato (na mas malapit nang maging gurang :-)) ay mayaman naman sa diskarte. Sa sobrang pagka-atribido, ginagamit ang sasakyan ng pagawaan ng walang pahintulot sa mga personal na lakad. Matalino kung sa matalino. Hindi mo nga matalo sa diskusyon. Palaging may kuru-kuro. Ipagpipilitan ang katwiran. Wala kasing mas magaling sa kanya. Higit sa lahat, huwag na makita ka sa alanganin, baka itsismaks ka. Headline ka na kinabukasan. Cannot keep a secret, ‘ika nga. Kayang i-deny ang sinabi, entonses, kaya kang baligtarin.  Mayroon pa, ang suma total, may pagkasinungaling ang tusong matsing.

Ngayon, kung ikaw ang may-ari, ano ang gagawin mo? Sino ang pipiliin mo para pumalit kay Gurang A?

Ang aking masasabi, dapat di na sila pinatagal. Maaari namang makita ang kanilang performance sa isang tiyak na panahon. Pwede naman silang tsugiin kung di nag-deliver, di ba? Pero ano ang aasahan mo sa isang sistemang niluma na ng panahon? Kung ako sana ang nasa poder ni Gurang A, ako ang malapit sa kalan he he.

Unang-una raw sa listahan ng mga requirements para mapalapit sa diyos-diyosan ay ang iyong loyalty, pangalawa ang trust, at panghuli ang efficiency. Kinda weird, diva?

Advertisements
Read Full Post | Make a Comment ( 3 so far )

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...