Kelan Kaya?

Posted on Nobyembre 27, 2006. Filed under: Mahahalagang bagay, pamilya |

Ang sarap ng Nips. Sa sarap, bibili ka ulit ng isang supot upang muli kang makakain ng tsokolateng ito. Pag naubos uli, bibili ka uli. Pero titigil ka din, kasi masasawa ka, sasakit ang lalamunan, uubuhin ka pa.

Kelan kaya mangyayaring magsawa ka sa kalokohan mo? Kelan ka kaya mauuntog at maglilinaw ang isip mo dahil sa pagkauntog? Kelan mo patatahimikin ang sarili mo at ang mga nakapaligid sa ‘yo? Talaga nga kayang nakahuhumaling ang lasa ng bisyo, katarantaduhan at kalokohan? Magsasawa ka rin kaya gaya ng pagkasawang mararamdaman sa paulit-ulit na pagkain ng nips? Kelan kaya?

Parang gusto ko nang magsawang manalangin, o isipin man lamang ang nangyayari sa ‘yo. Dahil sabi ng marami, walang kwenta ang pag-iyak sa isang walang kwentang tao.

Alam kong sa isang bahagi ng buhay ng tao, dumadaan ang pagkaligaw. Pero hindi ka na naliligaw, pinili mo na ang buhay na ‘yan – magulo, masalimuot, maramot, walang kabuluhan.

Kelan kaya, kapatid ko, darating ang pagbabago sa iyo?

Make a Comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

3 Tugon to “Kelan Kaya?”

RSS Feed for Sa Aming Wika Comments RSS Feed

Masarap talaga ang Nips.

Masarap talaga ang Nips. Kung mawala man ang Nips sigurado, merong papalit na ibang brand na mas masarap pa.

Kung kailan magbabago ang taong nahilig sa Nips, mahirap sagutin yan. Walang nakakaalam kundi ang tao lang na nahihilig sa Nips o kung hindi man, masakit mang sabihin, ang tadhana na ang tatapos sa hilig nya sa nips.

masarap talaga ang nips, mon.

yun nga ang problema, rolly. naghihintay ka lang, kasi wala kang magawa para umayaw sa nips nang tuluyan.


Where's The Comment Form?

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: