Di Lang Pang-Royal, Pang-Balintawak Pa

Posted on Pebrero 16, 2007. Filed under: Mahahalagang bagay |

Noong isang araw, may isang batang inaasar ng drayber ng traysikel na sinakyan ko. Siya ay malamang na nasa 9-10 taong gulang bagaman mukhang mas may edad na siya sa nabanggit ko.  Nakapaa, marumi ang damit, mukhang malagkit ang buhok, mukhang di pa naliligo, nangungunyapit siya sa traysikel habang nakikipagbalitaktakan sa drayber.

Sa pakikinig ko, tila siya hinahamon ng traysikel drayber na hindi kaya ang isang batang itinuro nito.  Sumagot ang batang gusgusin at nagwika ng, “Paiyakin ko pa ‘yan, e!”  Lalo pa yatang naintriga ang traysikel drayber at tinakot pa ang bata ng “Ang laki ng kuya niyan! Lagot ka!”  Walang pagkatakot na sumagot ang bata ng “E, ano? Kahit pa.”  At nagkuwento na siya kung gaano na karami ang sinapak niyang mga bata.  Idinagdag pa niya na hindi lamang siya pang-Royal, pang-Balintawak pa.

Hindi maalis ang pagkatitig ko sa bata.  Inisip ko kung ano’ng buhay niya, kung bakit sa murang edad ay nagpapakita siya ng karahasan, palaban, walang takot, walang inuurungan, mgaing yata si Kamatayan.  At kahit na lumakad na siya palayo ay sinundan ko pa siya ng tingin.  Tiyak ni hindi nakatuntong ang bata sa paaralan.  Walang maririnig sa kanya na marunong siyang gumalang.  Paano nga naman niya matutunan ang paggalang at salitang ito kung palagi siyang nasa lansangan at walang nagtuturo?

Nakakalungkot na ganoon ang buhay na kinagisnan niya.  Nakakatakot na isa na naman siya sa mga potensyal na masamang-loob sa bansa.  Hindi naman sa ako nanghuhusga ngunit mas malamang na taglayin na niya ang mga ugali at katangiang kinasanayan na niya hanggang paglaki.  Ilang libo na kaya ang mga katulad niya?

Ano nga ba ang ginagawa ng ating gobyerno para sa streetchildren?  Sapat na kaya ang kaniyang ginagawa?  Ano rin kaya ang ginagawa ng lipunan?  Ilan kayang mayayaman ang naiisip ang kapakanan ng mga batang lansangan?

Malamang hindi lamang sa Balintawak maghasik ng lagim ang batang iyon kung hindi siya masasalba sa kasalukuyang kalagayan.  Malayo rin ang kanyang mararating kung hindi aagapan.

Make a Comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

6 Tugon to “Di Lang Pang-Royal, Pang-Balintawak Pa”

RSS Feed for Sa Aming Wika Comments RSS Feed

hindi natin siguro masisisi ang bata dahil sa lansangan, survival of the fittest talaga ang labanan. sa edad niyang iyan, nakaya niyang mamuhay sa malupit na mundong ito.
nakakapanghinayang nga lamang dahil sa halip na masawata, lalo lamang dumarami ang bilang ng mga batang nasa ganyang kalagayan.
siguro kung sa kanila ibubuhos ang mga campaign funds ng mga pulitiko ngayon kung saan may tulad din nilang ginagawang example ng mga kandidato na kanilang iaahon sa hirap, may pagkakataon pa na mabago ang kanilang bukas.
kunsabagay, biktima rin lamang sila ng mga nakatatanda sa kanila tulad ng kanilang magulang kung mayroon man.

Malaki talaga ang impluwensya ng lugar at kapaligiran kung saan nanggaling ang isang tao. Kahit siguro sa loob ng bahay ay ganun ang mga usapan nila kaya parang natural na lang sa kanya. Di ba madalas napipintasan ang magulang sa kung anong ugali mayroon ang anak, although minsan may mga batang pasaway talaga.

cuz we both thought,that love last foreve. Stacy Fabian.

damn all these beautiful gir. Mihangel Caiaphas.

I bookmarked this link . Thank you for good job !


Where's The Comment Form?

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: