Kahit ano lang

Sa Pagbuhos ng Ulan

Posted on Mayo 24, 2006. Filed under: Kahit ano lang |

At bumuhos na po ang ulan. Buti na lang at meron tayong pananggalang – ang payong. Alam naman natin na ito yung gamit na nagbibigay sa atin ng proteksyon laban sa ulan, niyebe at araw.

Pero ang dami palang klase ng payong at bago tayo magtungo diyan, konting impormasyon lang. Ang payong pala ay sinimulang gamitin sa Tsina at Ehipto. Ngunit ang mahahalagang tao lamang ang gumagamit nito at dala-dala ng mga alipin upang protektahan ang isang hari laban sa mga sinag ng araw. Noon lamang ika-19 na siglo nagkaroon ng mga modernong payong na gawa sa metal na dati ay gawa sa kahoy at kawayan.

Narito ang mga klase ng payong:

para sa patio
para sa outdoor outdoor umbrella

pasadya custom umbrella

pang – Golf golf umbrella

para sa mga fashionista

 fashion umbrella

para sa promotions promotional umbrella

para sa pool pool umbrella

laban sa araw

para sa hardin

para sa mga bata

Advertisements
Read Full Post | Make a Comment ( 4 so far )

Paunang Salita

Posted on Mayo 12, 2006. Filed under: Kahit ano lang |

Matapos ang mahimbing na pagtulog sa pagsusulat sa wikang Tagalog, narito na naman ako. Ito ay karugtong ng aking mga kaisipan sa wikang Filipino. Nais ko mang hakutin ang aking mga isinulat sa dati kong bahay, e hindi ko magawa kasi walang import service ang WP para sa tripod.

Pero heto ako, magpapatuloy sa pagsulat sa wikang kinagisnan. May mga kaisipan kasing mas madaling isulat sa ating wika. May mga hinaing na mas madaling sabihin kapag nasa sariling wika.

Marami ang nagsasabi, mas madali raw pag-aralan ang wikang Filipino. Hindi ako sang-ayon. Dahil kung ito ay madali, bakit may nagsasalita ng tag-lish? Bakit hindi nakakapagsalita ang marami nang diretso sa wikang Filipino? Hindi po madaling pag-aralan at makasanayan ang wikang Filipino. Mas madali pa nga ang Ingles. Bukod sa mas maiiksi ang mga salita sa Ingles, mas madaling natatandaan kasi ito ang pangkalahatang salita sa daigdig, at maging sa bansa natin.

Alam mo ba na ang tawag sa verb ay pandiwa? Alam mo ba kung ano ang naranghita? Alam mo ba kung ano ang pang-ukol? Hindi po ito bumubukol o nakabukol. 🙂 Naiintindihan mo ba ang mga katagang 'isa kang lilo'? E ang salitang ‘sinibasib’ narinig mo na ba? Karamihan at karaniwan, ang mga kabataan ngayon ay hindi na gagamitin ang mga salitang ito. Katwiran nga ng marami, ‘so baduy’, ‘so corny’. At baka me kasama pang ‘yukk!’

Pero huwag sanang kalimutan, kasama ang ating wika sa ating kasarinlan. Ang ibig ko pong sabihin, ito ay bahagi ng ating pagkakakilanlan. Gets mo?

Tuloy po kayo sa bagong bahay ng Sa Aming Wika.

Read Full Post | Make a Comment ( 4 so far )

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...