Mahahalagang bagay

Di Lang Pang-Royal, Pang-Balintawak Pa

Posted on Pebrero 16, 2007. Filed under: Mahahalagang bagay |

Noong isang araw, may isang batang inaasar ng drayber ng traysikel na sinakyan ko. Siya ay malamang na nasa 9-10 taong gulang bagaman mukhang mas may edad na siya sa nabanggit ko.  Nakapaa, marumi ang damit, mukhang malagkit ang buhok, mukhang di pa naliligo, nangungunyapit siya sa traysikel habang nakikipagbalitaktakan sa drayber.

Sa pakikinig ko, tila siya hinahamon ng traysikel drayber na hindi kaya ang isang batang itinuro nito.  Sumagot ang batang gusgusin at nagwika ng, “Paiyakin ko pa ‘yan, e!”  Lalo pa yatang naintriga ang traysikel drayber at tinakot pa ang bata ng “Ang laki ng kuya niyan! Lagot ka!”  Walang pagkatakot na sumagot ang bata ng “E, ano? Kahit pa.”  At nagkuwento na siya kung gaano na karami ang sinapak niyang mga bata.  Idinagdag pa niya na hindi lamang siya pang-Royal, pang-Balintawak pa.

Hindi maalis ang pagkatitig ko sa bata.  Inisip ko kung ano’ng buhay niya, kung bakit sa murang edad ay nagpapakita siya ng karahasan, palaban, walang takot, walang inuurungan, mgaing yata si Kamatayan.  At kahit na lumakad na siya palayo ay sinundan ko pa siya ng tingin.  Tiyak ni hindi nakatuntong ang bata sa paaralan.  Walang maririnig sa kanya na marunong siyang gumalang.  Paano nga naman niya matutunan ang paggalang at salitang ito kung palagi siyang nasa lansangan at walang nagtuturo?

Nakakalungkot na ganoon ang buhay na kinagisnan niya.  Nakakatakot na isa na naman siya sa mga potensyal na masamang-loob sa bansa.  Hindi naman sa ako nanghuhusga ngunit mas malamang na taglayin na niya ang mga ugali at katangiang kinasanayan na niya hanggang paglaki.  Ilang libo na kaya ang mga katulad niya?

Ano nga ba ang ginagawa ng ating gobyerno para sa streetchildren?  Sapat na kaya ang kaniyang ginagawa?  Ano rin kaya ang ginagawa ng lipunan?  Ilan kayang mayayaman ang naiisip ang kapakanan ng mga batang lansangan?

Malamang hindi lamang sa Balintawak maghasik ng lagim ang batang iyon kung hindi siya masasalba sa kasalukuyang kalagayan.  Malayo rin ang kanyang mararating kung hindi aagapan.

Advertisements
Read Full Post | Make a Comment ( 6 so far )

Malandi Mong Pag-ibig

Posted on Enero 18, 2007. Filed under: Ang maging babae, Mahahalagang bagay |

Pamagat ng awitin sa album ng Session Road. Bagong awit. Magandang himig.

Noong bata pa ako, maanghang na salita ang ‘malandi’ sa akin. Tuwing naririnig ko ang salitang ito, hindi maganda ang pakiramdam ko. Para akong sinisilihan. Gusto kong sapakin ang kalaro kong nang-aaway sa akin. Napakagaan kasi sa mga kabataan ang bitiwan ang mga salitang may mas malalim pa palang kahulugan.

Siyempre pa, ang mga batang tulad namin noon ay hindi pa talagang alam ang mga binibitiwang salita. Sa kainosentehan, kahit maseselang mga salita ay nasasabi dahil sa naririnig sa mga kalaro. Pero ano nga ba ang mayroon sa salitang malandi? Bakit ganoon na lamang ang pagkaayaw ko sa salitang ito?

Hindi man tuwirang sinabi na masama ang salitang ‘malandi’, nabuo sa aking isip na ito ay pangit na salita dahil sa mga naririnig ko. Pagdaan ng isang kumekembot na babae, narinig ko noon mula sa mga nanay na nag-uumpukan (nagtsi-tsismisan), “Tingnan mo namang lumakad ‘yang babaeng ‘yan, ang landi!” Sabi naman ng isang dalagita sa isang kapwa dalagita, “Mang-aagaw ng boypren. Malandi ka.” Paano namang hindi matatanim sa isang bata na ang salitang iyon ay hindi maganda?

Ngunit sa awiting iyon ng Session Road, hindi masama ang salitang iyon. Tila ba sinasabing normal lang ang maglandi. Parang tama naman dahil kasama naman sa proseso ng katawan ang pakiramdam na paglalandi.

Marahil din iba ang dating ng pariralang ‘malandi mong pag-big’ kaysa ‘malandi kang babae’. Magkaibang konteksto, ‘ika nga.

Read Full Post | Make a Comment ( None so far )

« Mga Dating Lahok

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...